Ipinakita sa pinakabagong datos ng Bureau of Treasury na pumalo sa 63.7% ang Debt-to-Gross Domestic Product ratio ng bansa sa ikatlong bahagi ng 2022.
Ito ang pinakamataaas na bilang na naitala sa loob ng 17 taon, na sumunod sa 65.75 Debt-to-GDP ratio noong 2005 sa ilalim ng Arroyo Administration.
Sinabi naman ni ING Bank senior economist Nicholas Mapa na dapat ituon ng gobyerno ang kanilang pansin sa revenue generation na makatutulong sa pagpapalaki ng resources.
Samantala, ayon naman kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, hindi ito magandang panahon para sa mas mataas na pagpapataw ng buwis dahil maaaring makadagdag ito sa inflationary pressures.
Mababatid na naghain ng panukala ang Makabayan Bloc kamakailan ng apat na panukalang batas na kumukontra sa Value Added Tax bilang pag-agapay sa publiko sa epekto ng 7.7% inflation rate. —sa panulat ni Hannah Oledan