Nakatakda nang depensahan ni Jerwin Ancajas ang kanyang titulo bilang IBF Junior Bantamweight champion, ngayong araw.
Makakasagupa ni Ancajas si Israel Gonzales ng Mexico sa American bank center, sa Corpus Christi, Texas sa Estados Unidos.
Ito ang ika-apat na beses na dedepensahan ng tinaguriang “Pinoy Pretty Boy” ang kanyang International Boxing Federation Junior Bantamweight crown at una niyang laban sa Amerika.
Aminado naman ang Filipino fighter na magkahalong kaba at pananabik ang kanyang nararamdaman lalo’t ang pagsabak sa laban sa US ay isang hakbang patungo sa kasikatan.