Bumilis sa 3.5% ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa iba’t-ibang serbisyo sa bansa.
Ito ang naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong huling buwan ng taong 2020.
Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay tumaas sa antas na 3.5 percent nitong buwan ng Disyembre 2020. Ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong March 2019. #PHCPI #Inflation @mapa_dennis
— PSAgovPH (@PSAgovph) January 5, 2021
Mababatid na tumaas ito ng .2% mula noong 3.3% noong Nobyembre noong nakaraang taon.
Sa pagtataya, ayon kay Claire Dennis Mapa, National Statistician, ito na ang pinakamataas na naitalang inflation sa bansa mula pa noong Marso noong 2019.