Idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang December 26, 2016 at January 2, 2017.
Nakasaad sa inilabas na deklarasyon ng Palasyo sa pamamagitan ni acting Executive Secretary Menardo Guevara na ito ay para bigyan ng mas mahabang bakasyon ang mga Pilipino ngayong Kapaskuhan para makasama ang kani-kanilang pamilya.
Mababatid na parehong pumatak sa araw na linggo ang Pasko (December 25) at Bagong Taon (January 1).
Report from Aileen Taliping (Patrol 23)