Bumaba na sa 5.1 percent ang inflation rate para sa buwan ng Disyembre.
Mas mababa ito kumpara sa 6 percent na inflation rate noong Nobyembre ngunit mas mataas pa rin kumpara sa 2.9 percent na inflation noong Disyembre ng 2017.
Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang pagbagal ng inflation sa buwan ng Disyembre ay dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages at pamasahe.
Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito na ang pinakamababang lebel ng inflation magmula nang Hunyo ng nakaraang taon.
Inaasahan naman ng ahensya na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at maabot ang target range nila para sa taong 2019.
—-