Babagal sa pagitan ng 5.2 hanggang 6 percent ang inflation rate para sa buwan ng Disyembre.
Batay ito sa pagtaya ng Bangko ng Sentral ng Pilipinas (BSP) kasunod ng pagbaba ng mga presyo ng langis, bigas, pasahe sa jeep at paglakas ng piso kontra dolyar.
Kasabay nito, tiniyak ng BSP na patuloy silang naka-monitor konsiyon ng domestic demand at presyo ng mga bilihin para masigurong maaabot ang target na inflation.
Matatandaang noong Nobyembre bumaba sa 6 percent ang inflation rate mula sa 6.7 percent noong Oktubre.