Sisimulan na ng Bangsamoro Transition Authority o BTA ang pag-decommission sa mga armas at combatant ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ayon kay MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim na itinalagang BTA interim chief minister, target nilang makumpleto ang unang batch sa loob ng tatlong buwan.
I-mo-monitor ng Independent Decommissioning Board ang proseso ng arms turnover kabilang ang validation ng nasa 7,000 hanggang 13,000 MILF combatants at nasa 2,000 armas.
Ang decommissioning ng mga rebelde at armas ang sunod na hakbang upang matiyak ang maayos na transition patungo sa paglikha ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.