Siniguro ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez na ipatutupad nila ang mahigpit, maingat at sistematikong proseso para sa decommissioning ng mga combatant ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Tinatayang aabot umano sa 12,000 ang mga MILF fighters na dadaan sa ganitong proseso.
Ayon sa OPAPP, matapos ang gagawin nilang pagsuko ng mga armas ay agad silang isasailalim sa mga seminar at mga programang magbibigay sa kanila ng gabay para sa panibagong buhay na kanilang tatahakin.
Sinabi naman ni Bangsamoro Chief Minister Murad Ebrahim, naipasa na nila sa gobyerno ang listahan ng mga pangalan at armas ng mga MILF fighters.
Unang yugto pa lamang ito sa tatlong decommissioning process na kailangang gawin sa mga miyembro ng MILF.