Naging maliit na selebrasyon lamang ang dedication o binyag ng anak ng Kapamilya TV host na si Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Sa Taytay Methodist Church sa Taytay, Rizal pinili ng mag-asawa na i- dedicate ang kanilang anak dahil memorable ito sa kanila.
Ayon kay Toni, sa naturang simbahan siya bininyagan noon at doon rin sila nagpakasal ni Direk Paul.
Ang kapatid naman niyang si Alex Gonzaga ang naging ninang ni Seve habang ang kapatid naman ni Paul ang ninong.
Samantala, inamin naman ni Toni na hindi pa siya handang magbuntis muli.
Aniya, posibleng sa tatlo hanggang apat na taon pa ang hihintayin bago masundan ang kanilang panganay.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from celestinegonzaga / Instagram