Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tatapatan nila ang katapangan at dedikasyon ng mga gurong nagsilbi nitong nagdaang eleksyon.
Ayon sa DepEd, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Commission on Elections (Comelec) para sa paglalabas ng honoraria at iba pang allowances ng mga guro bago o sa Mayo a-24.
Maliban dito , ipinanawagan din nila sa ahensya dagdag na P3,000 across the board para sa mga guro na nag-overtime matapos ang kaliwa’t kanang aberya sa mga Vote Counting Machines (VCMs) gayundin ang mga SD cards.
Samantala, bibigyang pagkilala rin ng DepEd ang limang araw na service credit ng mga miyembro ng electoral boards at DepEd Supervisor Official (DESO) at kanilang support staff na nagsilbi rin noong eleksyon.