Ginulat ng Philippine youth basketball team ang three-time defending champion China matapos isukbit ang score na 78-72 sa bago ang knockout rounds ng 2015 FIBA Asia Under-16 Championship sa Jakarta, Indonesia.
Si Gian Mamuyac ang nanguna sa Batang Gilas taglay ang kanyang 22 points at five assists habang si team captain SJ Belangel ay nag-ambag ng 11 points kung saan tig-10 points naman ang tinipa nina Harvey Pagsanjan at Jason Credo.
Matatandaang hindi pa natatalo sa kahit isang laro ang China sa tatlong edisyon ng FIBA Asia Under-16 Competition kung saan sila ang nagka-kampeon.
Dahil sa tagumpay na ito ay natapos ng mga Pinoy ang second round kasama ang China at South Korea na mayroong 4-1 records sa Group F.
Batay naman sa quotient system, nasa unang puwesto ang China sa Group F, pangalawa ang Pilipinas at third ang Korea.
By Jelbert Perdez