Laglag na sa FIFA World Cup ang defending champion na Germany.
Ito ay matapos silang padapain at ipahiya ng koponan ng South Korea na itinuturing na biggest shocks sa kasaysayan ng World Cup.
Makapigil hininga ang laro ng dalawang koponan hanggang sa naka-goal sa 92nd minute si Kim Young Gwon na nagpapanalo sa South Korea.
Dahil dito, nagtapos sa 2-0 ang laban pabor sa Korea habang umuwing luhaan ang mga German fans.
—-