Tiniyak ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim kay Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling nakatuon ang Amerika sa pinasok nitong defense agreement sa Pilipinas.
Ito’y sa kabila ng mga patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating US President Barack Obama.
Ayon kay Sung, naiintindihan ng Estados Unidos ang mga sentimyento ni Pangulong Duterte hinggil sa seguridad ng Pilipinas kaya’t handa ang kanilang gobyerno na magbigay ng karagdagang military equipment at training bilang tulong.
Nananatili anyang matatag ang ugnayan ng dalawang bansa sa bilateral level at handang talakayin karagdagang mga issue ng mutual interest.
Personal namang nagtungo si Kim sa Davao City upang kausapin si Duterte at talakayin ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
By Drew Nacino
*Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)