Puputok na matapos ang dalawang taon ang inaabangang aktbidad ng Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines Incorporated (AFAD) bukas, July 14 sa Megamall, Mandaluyong City.
Tiniyak ni AFAD President Hagen Alexander Topacio ang kakaibang 28th Edition ng Defense and Sporting Arms Show na limang araw bubuksan sa publiko, gun owners at sports enthusiasts simula bukas, Huwebes.
Pangungunahan nina Senador Ronald Bato Dela Rosa at PNP OIC Lt General Vicente Danao, Jr. ang nasabing Defense and Sporting Arms Show kung saan tampok ang world class local at imported guns, bala at paraphernalia mula sa halos 50 grupo at exhibitors.
Ayon kay Topacio, hindi lamang nila ipapakita sa event na ito ang mga pinakamagagandang gun products sa merkado kundi ipapaalam din nila ang restriction o mga hindi dapat gawin sa paghawak ng mga armas.