Opisyal ng nanungkulan sa Philippine Embassy sa Moscow ang kauna-unahang Defense Attaché ng Pilipinas sa Russia.
Ayon kay Ambassador Carlos Sorreta, nag-report na sina Col. Dennis Pastor at kanyang Administrative Assistant na si Technical Sergeant Pablito Igne sa Embahada.
Ito, anya, ang unang beses na nagtalaga ang Pilipinas ng defense attaché sa apat na dekadang ugnayan nito sa Russia.
Magiging mahalaga ang papel ng defense attaché bilang kinatawan ng Secretary of National Defense at Chief of Staff ng AFP sa implementasyon ng defense cooperation agreement na nilagdaan ng dalawang bansa noong May 2017.