Palalakasin pa ng Australia ang defense capabilities nito sa pamamagitan ng pagbili ng advanced missile at rocket system na nagkakahalagang 700 milyong dolyar.
Kabilang sa mga equipment na bibilhin ang M142 High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) na gawa sa US at tulad din ng ginagamit sa Ukraine.
Sinabi pa ng Australian government na ang rocket system na kanilang bibilhin ay may kasamang launchers, missiles, at training rockets na maaaring magamit hanggang taong 2026.
Nabatid na pumirma rin ang Australia ng kontrata sa Norway para bumili ng naval strike missiles.