Hindi pinalagpas ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pang-iinsulto ng isang Chinese Foreign Ministry Official kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaang pinayuhan ni Chinese Spokesperson Mao Ning si Pangulong Marcos na magbasa ng mas maraming libro matapos nitong magpaabot ng pagbati kay Taiwan President-Elect Lai Ching-Te kamakailan lang.
Para kay Sec. Teodoro, “low and gutter level talk” ang ginawang pang-iinsulto sa pangulo at sa pilipinas. aniya, “on brand” ang statement ng chinese official.
Dagdag pa ng Defense Chief, bagamat nakakalungkot ang nangyari, hindi na ito nakakagulat.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ang ilang mga Pilipino sa social media ng kanilang suporta para kay Pangulong Marcos.