Never say die si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa pag-asang sabay na magtatapos ang pamamayagpag ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a-30.
Ayon kay Lorenzana, bagaman batid niyang mahirap ang laban dahil malalim na ang pundasyon ng kalaban na aniya’y deka-dekada nang nagpapahirap sa mga Pilipino.
Gayunman, naniniwala ang Kalihim na malapit nang magtapos ang mga komunista lalo’t marami nang pagbabago sa hanay ng Sandatahang Lakas na nagpapaigting sa kampaniya kontra Terrorismo.
Ginawa ni Lorenzana ang pahayag kasabay ng ika-125 na anibersaryo ng Philippine Army sa Headquarters nito sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinapurihan din ni Lorenzana si Philippine Army Commander, Lt/Gen. Romeo Brawner Jr dahil sa mahusay na pagganap nito sa kanilang tungkulin maging pandemiya, terrorista o kahit maging sa panahon ng kalamidad. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)