Umapela si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko lalo sa mga netizen na i-report agad sa mga otoridad ang mga terrorist-linked social media account at iwasang mag-share ng mga unverified information sa internet na makatutulong sa mga terorista.
Ito ang inihayag ni Lorenzana ilang linggo matapos manawagan ang Armed Forces sa social media giant Facebook na alisin ang mga terrorist-linked account na ginagamit ng radikal na muslim upang ipakalat ang kanilang propaganda.
Ayon kay Lorenzana, dapat mag-ingat ang publiko sa pag-she-share nila ng impormasyon dahil maaari itong magdulot ng panic na isang paraan upang mapalakas ang propaganda ng mga terorista.
Noong Hunyo 29 , 63 accounts na hinihinalang supporter o sympathizer ng ISIS-Maute ang ipina-deactivate NG afp sa Facebook Philippines.
By: Drew Nacino