Tutulak pa-Europa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Setyembre.
Sinabi ni Lorenzana na inimbitahan siya ng mga opisyal ng France, Spain, Portugal, United Kingdom at Czech Republic para ipakita ang kanilang defense equipment na maaaring makatulong na mapalakas ang puwersa ng AFP.
Ayon kay Lorenzana, inaalok ng France sa Pilipinas ang kanilang submarine habang ang Portugal at Spain naman ay mga barko.
Samantala, mga baril at iba pang armas ang alok ng Czech Republic habang ang iba ang military equipment naman ay alok ng United Kingdom.