Ginawaran ng parangal ng US Embassy si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Mismong si U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nagbigay ng Major General Albert Jones Memorial Award kay Lorenzana sa pagdiriwang ng ika- 70 anibersaryo ng JUSMAG o Joint US Military Assistance Group.
Pinarangalan si Lorenzana dahil sa suporta at kontribusyon nito sa alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas.
Iginagawad ang naturang award sa mga natatanging opisyal ng gobyerno ng Amerika at Pilipinas na may mahalagang ini-ambag sa bilateral defense partnership ng dalawang bansa.
By: Drew Nacino