Tuluyan nang sinibak sa puwesto ni British Prime Minister Maria Theresa May si Defense Secretary Gavin Willamson dahil sa paglalabas nito ng mga impormasyon hinggil sa isang Chinese telecommunication company.
Kasunod na rin ito ng mga report hinggil sa planong pagbibigay ng limited access umano sa isang Chinese telecom sa pagtulong nito sa makabagong 5G network ng United Kingdom.
Sa dismissal letter na sinulat ni May inamin nitong nababahala siya sa paraan kung paano nakisali pa sa usapin ang kalihim.
Ipinabatid pa ni May na sa huling pulong nila humingi pa siya ng mga bagong impormasyon kay Williamson subalit pawang hindi otorisado ang mga ibinigay nitong ebidensya.
Dahil dito binigyang diin ni May na nawalan na siya ng tiwala kay Williamson kaya’t napilitan na rin siyang tanggalin ito sa puwesto.