Sisikapin ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na umabot sa trial ang kasong crimes against humanity ng dating pangulo.
Ayon sa Lead Legal Counsel nito na si Atty. Nicholas Kaufman, kukwestyunin nila ang hurisdiksyon ng International Criminal Court dahil anya kumalas na ang Pilipinas sa rome Statute nuong 2019
Bukod pa rito, tintrabaho na rin ng kanilang grupo ang petisyon ng interim release para sa dating pangulo.
Binigyan-diin ni Atty. Kaufman, na may karapatan si Duterte na mapalaya dahil wala sa mga sinasabing banta ng ICC upang hindi palayain ang isang akusado, ang nangyayari sa kasalukuyan.
Gayunman, walang eksaktong araw na sinabi ang abugado kung kailan nila isusumite ang hiling na interim release para sa dating presidente.—sa panulat ni Kat Gonzales