Binuweltahan ng mga senador si party-list Representative Mike Defensor sa banta nitong tapyasan ang budget ng senado at hati-hatiin ito sa mga partido at party-list groups.
Ayon kay Lacson, puwede namang mangarap si Defensor na puwede nyang gawin ang kanyang banta.
Sinabi ni Lacson na maraming taon ang kailangan bago matutunan kung paano ba gumagana ang pambansang budget kaya’t kung ngayon pa lamang anya magsisimula si Defensor ay malabo nya itong matutunan sa loob ng tatlong taong termino.
Sen. Franklin Drilon to the suggestion of Cong. Defensor to slash the budget of senate claiming that senators have no consrituency: “I don’t want to waste my time on such inane ideas,” | via @OBueno https://t.co/NsA0e6IPE8
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 26, 2019
Kahangalan naman para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang naging banta ni Defensor kaya’t hindi na ito dapat pang pag-aksayahan ng panahon. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)