Pinangunahan ng dalawang mambabatas ang pamimigay ng anti-parasitic drug na Ivermectin na pinaniniwalaang gamot umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang barangay sa Quezon City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor at SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta na kailangan nilang isalba ang bawat Pilipino laban sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Idagdag pa, ani Defensor, ang kakulangan sa suplay ng bakuna laban dito.
Mababatid na tanging ang limang ospital pa lamang sa bansa ang binigyan ng kapangyarihang makagamit ng naturang gamot, kung kaya’t pauli-ulit ang Food and Drug Administation (FDA) sa pagpapaalalang wala pang patunay na nakagagamot ito ng virus.
Sa huli, iginiit ni Defensor na nakahanda niyang harapin ang anumang pananagutan sa pamamahagi nito.