Nagbabala si Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor sa Department of Health (DOH) sa posibleng kaharaping kasong graft sa planong muling pagbili ng Remdesivir na, ayon sa World Health Organization (WHO) ay hindi nakakagaling sa mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Defensor, malinaw na magsasayang lamang ng limitadong pondo ang gobyerno sa plano ng DOH na pagbili muli ng Remdesivir.
Sinabi ni Defensor na hindi kailangang mayroong personal na tinanggap o kumita ang isang opisyal o empleyado ng gobyerno para makasuhan ng graft.
Ipinabatid pa ni Defensor na hihilingin nila sa Department of Budget and Management (DBM) na ipambili na lamang ng COVID-19 vaccines ang pondo gagamitin sa pagbili muli ng Remdesivir.