Patuloy ang degassing activity ng Taal volcano kung saan, lalo pang lumawak ang sakop ng sulfur dioxide emission o yung ibinubugang asupre nito na umabot na sa Taal Caldera.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Eric Arconado, OIC resident volcanologist ng taal volcano, na delikado para sa mga residente ang ibinubugang asupre ng naturang bulkan, dahil posible itong magdulot ng ibat-ibang uri ng sakit.
Ayon kay Arconado, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng bulkang Taal kung saan, nakabatay sa abnormal na aktibidad ng bulkan ang pagpapatupad ng alert level status.
Aminado si Arconado, na nag-iba ang behavior ng bulkang taal, matapos ang pagsabog nito noong taong 2020.