Dumalo sa pagdinig ng senado hinggil sa 81 millon dollar money laundering scheme si Maia Santos-Deguito, ang dating Branch Manager ng RCBC.
Inusisa ni Senador Ralph Recto si Deguito kung mayroong ipinangako sa kanya na anumang komisyon.
Ayon kay Deguito, tanging ang ipinangako sa kanya ay madadagdagan ang kanyang ADB o average daily balance sa bangko.
Nanindigan si Deguito na wala siyang nakuha ‘ni singko mula sa naturang transaksyon.
LISTEN: Ang tinig nina Senador Ralph Recto at dating RCBC Branch Manager Maia Deguito
Nanindigan din si Deguito na wala siyang kinalaman sa sabwatang naganap ukol sa 81 million dollar money laundering scam.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado, iginiit ni Deguito na hindi siya ang utak sa naturang anomalya.
Binigyang diin ni Deguito na matataas na opisyal ng bangko at malalaking negosyante aniya ang tanging may kakayahan at partisipasyon sa money laundering.
Sinabi ni Deguito na biktima rin siya sa insidenteng ito na isinangkapan ng mga opisyal ng bangko upang siya umano ang madiin sa kaso.
By Meann Tanbio | Ralph Obina