Nahaharap sa kasong libelo ang sinibak na Branch Manager ng Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC na si Maia Santos Deguito.
Ito’y makaraang ihain ni RCBC President on leave Lorenzo Tan ang kaso laban kay Deguito sa Makati Regional Trial Court.
Laman ng nasabing kaso ang mga umano’y mapanirang pahayag ni Deguito sa media gayundin sa pagdinig ng senado na aniya’y pawang paninira lamang laban sa kanya.
Magugunitang inihayag ni Deguito sa pagding ng Senado na inutusan umano siya ni Tan na magbukas ng tatlong dollar accounts sa RCBC Jupiter Branch na kanyang hinahawakan kung saan pumasok ang bahagi ng 81 million dollars na ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank.
Sa kanyang ipinalabas na pahayag, sinabi ni Tan na kanyang iningatan at pinangalagaan ang kanyang pangalan sa loob ng 35 taon sa industriya ngunit sinira lamang ito ni Deguito sa isang iglap lamang.
Dahil dito, humihingi si Tan ng danyos mula kay Deguito na nagkakahalaga ng P32 milyong piso.
By Jaymark Dagala