Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang susunod na administrasyon na tiyakin ang dekalidad na edukasyon at training o pagsasanay para sa mga guro para mahusay na matugunan ang krisis na kinakaharap ngayon sa sektor ng edukasyon.
Ayon kay Gatchalian, dapat gawing prayoridad ng Department of Education (DEPED) ang agaran at epektibong pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act.
Layon ng batas na ito na patatagin ang Teacher Education Council (TEC) at iangat ang kalidad ng training at edukasyon ng mga guro mula sa kolehiyo hanggang sa tuluyang makapasok sa mga paaralan upang magturo.
Paliwanag ni Gatchalian, ang susunod na kalihim ng DEPED na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ay may political capital upang ipatupad ang mga repormang tulad ng Excellence in Teacher Education Act.
Sa ilalim ng batas, ang kalihim ng DEPED ang magiging chairperson ng TEC, habang Vice Chairperson naman ang Chairman ng Commission on Higher Education (CHED). – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)