Pinag-aaralan na ng Malakanyang ang panawagan na magdeklara ng state of emergency lulan ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Senador Bong Go, pinag-aaralan na rin ng palasyo ang panawagan sa pangulo na magpatawag ng special session ng kongreso para sa suspensyon ng excise tax sa petrolyo.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na pag-aralan kung paano matutugunan ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo dulot ng giyera sa Ukraine at Russia.
Kaugnay dito, ay pinaghahanda na rin umano ng pangulo ang Department of National Defense na agad na gumawa ng kaukulang aksyon sakaling lumala ang giyera ng dalawang bansa. – sa panulat ni Mara Valle