Kuntento ang Philippine National Police (PNP) sa maayos at mapayapang takbo ng mga ikinasang proclamation rally ng iba’t ibang kandidato sa pambansang posisyon para sa Halalan 2022.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, batay aniya sa kanilang monitoring ay nasunod naman ang minimum health and safety protocols kontra COVID-19 sa kabila ng dagsa ng mga dumalo sa proclamation rallies ng mga kandidato.
Panawagan lang ng PNP sa mga kandidato, panatilihin ang ganitong decorum o takbo sa kanilang mga political rallies dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng pagkalat muli ng COVID-19.
Giit ni Carlos, walang mawawala kung susunod ang lahat sa ipinatutupad na mga panuntunan ng Pamahalaan lalo’t para na rin ito sa kapakanan ng lahat.
Una nang inihayag ng COMELEC na Generally Peaceful ang unang araw ng kampaniya kahapon, Pebrero a-8 dahil sa wala namang naitalang untoward incidents sa mga lugar na pinagdausan ng proclamation rallies. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)