Wala pang batayan upang magdeklara ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) outbreak sa bansa kahit nakapagtala na ng mahigit 100 kaso sa Metro Manila.
Nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang naitalang 155 HFMD cases sa National Capital Region ay hindi naganap sa loob nang mabilis na panahon kundi nagsimula ito noong Oktubre hanggang kahapon, Disyembre a – 6.
Bukod pa ito sa mahigit 1,000 kaso na naitala sa lalawigan pa lamang ng Batangas simula Setyembre hanggang katapusan ng Nobyembre.
Ayon kay Vergeire, nakita ang pagtaas ng kaso ng HFMD noong nakaraang mga linggo pero wala pang basehan ang mga local goverment units na magdeklara ng outbreak sa kanilang mga lugar.
Ito’y dahil manageable at maaari naman anyang maiwasan ang nasabing sakit na kadalasang dumadapo sa mga edad 11 pababa.