Ipinagpaliban ni Catalonian Regional President Carles Puigdemont ang deklarasyon ng kalayaan ng Catalonia sa España.
Ito’y sa kabila ng isinagawang independence referendum noong isang linggo kung saan mayorya ng mga bumoto ang pabor sa pagkalas ng Catalonia upang magtatag ng sariling bansa.
Hiniling ni Puigdemont sa Regional Parliament na suspendihin ang deklarasyon sa halip ay makipag-negosasyon muna sa central government sa Madrid.
Posibleng igiit sa nasabing negosasyon ang pagkilala ng Spanish government sa isinagawang referendum na una ng idineklarang iligal ng Korte Suprema.
Aminado naman si Puigdemont na marami pang prosesong dapat pagdaanan at pinakamahalaga rito ay kilalanin ng United Nations ang Catalonia bilang malayang bansa.
—-