Limitado lamang sa Mindanao ang deklarasyon ng Martial Law.
Ito ayon kay dating Senate President Aquilino Nene Pimentel ang paniniwala niya bilang pag depensa na rin sa Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng posibleng deklarasyon ng Martial Law sa buong bansa.
Sinabi ni Pimentel na wala namang mga indikasyon na magdedeklara ng batas militar ang Pangulo sa buong bansa.
Gayunman tiniyak ni Pimentel na siya mismo ang mangunguna sa pagbabantay para tiyaking hindi na mauulit ang aniya’y madilim na nakaraan ng bansa sa ilalim ng Martial Law.
SMW: RPE