Hihirit na ng deklarasyon ng state of calamity ang mga barangay officials sa Mandaluyong City.
Ito’y dahil sa nararanasang water supply shortage sa naturang lugar na lubhang nagpapahirap sa mga residente.
Ayon kay Jimmy Isidro, Information Officer ng Mandaluyong, magsusumite ng resolusyon ang mga opisyal ng barangay na magrerekomenda ng state of calamity sa kanilang lugar upang maipabatid ito ng kanilang mayor sa city council.
Magbibigay-pahintulot ito sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na gamitin na ang kanilang emergency funds oras na ideklara na ang state of calamity sa lugar.
Samantala, ipinag-utos na rin ani Isidro ni Mayor Carmelita Abalos na buhayin na ang mga deep well sa kanilang lugar at pansamantala munang suspendihin ang operasyon ng mga car wash at laundry business.
—-