Posibleng magdeklara ng state of calamity ang Oriental Mindoro matapos na matinding salantain ng bagyong Quinta.
Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, nagpadala na siyang kahilingan sa provincial council para maisalilalim sa state of calamity ang kanilang lalawigan.
Sinabi ni Dolor, malaki-laki ang pinsalang naidulot ng bagyong Quinta lalo na sa sektor ng Agrikultura sa Calapan City at 11 pang munisipalidad.
Maliban dito, pumalo rin sa mahigit 2,100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Oriental Mindoro dulot ng malakas na ulan at bugso ng hanging hatid ng bagyong Quinta.
Samantala, nakatitiyak naman si Dolor na agad na maaaprubahan ng provincial board ang kanya kahilingin lalo na’t magagamit nila ang emergency funds para bigyang ayuda ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.