Posibleng maging sanhi ng pagkakawatak-watak ng Liberal Party (LP) ang deklarasyon ng pagtakbo sa 2016 Presidential election ni Senador Grace Poe at inaasahang magiging running mate nitong si Senator Chiz Escudero.
Ito, ayon kay Caloocan City Representative Edgar Erice, Vice Chairman for Political Affairs ng LP, ay matapos kopyahin ni Poe ang slogan na Tuwid na Daan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Kumbinsido anya sila na hinihikayat ni Escudero na umanib sa kanila ang ibang miyembro ng LP bunsod na rin ng pag-ober da bakod sa kampo ni Poe ni dating An-Waray Partylist Rep. Bem Noel, matapos mag-resign bilang Director ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Naniniwala rin si Erice na nais basagin ng kampo nina Poe ang Liberal dahil wala silang matibay na suporta mula sa mga lokal na opisyal.
Bandang huli, iginiit ng LP official na wala namang bago sa deklarasyon ng plataporma ni Poe na nagawa na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
By Drew Nacino