Iginiit ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na dapat ipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang teritoryo ng Pilipinas partikular na ang West Philippine Sea, ito man ay kanyang ipinangako o hindi sa kanyang pangangampanya.
Ito ay matapos na itanggi ni Pangulong Duterte na mayroon siyang ipinangako tungkol sa West Philippine Sea noong siya’y nangangampanya.
Ayon pa kay Del Rosario, tungkulin ng Pangulo ng bansa sa ilalim ng konstitusyon na protektahan ang anomang pag-mamay ari ng bansa.
Inihalimbawa pa ni Del Rosario ang nangyari sa Scarborough Shoal kung saan ang China ang umangkin at sumakop sa teritoryo ng bansa.
Kaya kuwestyon pa nito sa Pangulo, bakit mas naniniwala ito sa Pangulo ng China sa si Xi Jinping kaysa sa sarili niyang mga kababayang Pilipino.