Interesado si Retired 6 Division Champion Oscar Dela Hoya na makasagupa sa ikalawang pagkakataon si Floyd Mayweather, Jr. sakaling magbalik ito sa boxing ring.
Sinabi ni Dela Hoya na nais niyang lumaban sa isang tunay na boxing match at hindi exhibition lamang.
Maliban kay Floyd, Jr. ipinabatid ni Dela Hoya na pag iisipan pa niya ang posibilidad na harapin ang kababayang si Saul Canelo Alvarez.
Huling nagsagupa sa ibabaw ng ring sina Dela Hoya at Mayweather noong 2007 kung saan nagwagi ang Amerikano sa pamamagitan ng split decision para makuha ang WBC World Junior Middleweight title.
2017 nang mag retiro si Mayweather matapos pilayan si mixed martial arts superstar Conor Mcgregor.