Tinalakay sa Senado ang paggamit ng mga body camera ng mga law enforcement officers gaya ng mga pulis, MMDA, NBI at ahente ng PDEA.
Ayon kay Sen. Ronald ‘’Bato’’ Dela Rosa, dapat unahing bigyan ng body camera ang drug enforcement operatives upang mabigyan ang mga ito ng proteksyon laban sa mga alegasyon tungkol sa pagpatay sa mga drug suspek.
Ani Dela Rosa, sila kasi ngayon ang pinupuntirya ng mga pambabatikos sa war on drugs ng pamahalaan dahil sa mga namamatay na drug suspek.
Una rito, pinagkalooban ng 289 million pesos body camera system ang PNP mula sa isang kumpanya sa San Juan City.