Handang sumalang sa imbestigasyon si Senador Ronald Dela Rosa.
Kaugnay ito sa pagpapalaya nya sa may 120 heinous crimes convicts sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) noong manungkulan itong Bureau of Corrections (BuCor) director general.
Ayon kay Dela Rosa, walang syang itinatago at malinis ang kanyang konsensya kaya’t handa sya sa kahit anong imbestigasyon.
Maliban dito, handa rin anya syang magpasampal sa publiko nang paulit-ulit sakaling mapatunayan na sangkot sya sa katiwalian.
Una rito, nanindigan si Dela Rosa na ipinatupad lamang nila ang nilalaman ng GCTA law kaya’t hindi sila ang dapat sisihin kundi ang mga nagpanday ng batas.