Itinanggi ni Senador Bato Dela Rosa ang paratang na isang uri ng harassment ang isinasagawang pagdinig sa senado ng umano’y pagre-recruit ng mga makakaliwang sa mga estudyante.
Ayon kay Dela Rosa boluntaryong sumama sa pagdinig ang mga magulang na desperado na dahil wala pa ring sagot ang ilang militanteng grupo sa kanilang hinaing.
Isa raw pangungutya sa mga magulang na naglakas loob na magpakilala kung sasabihing isang paraan para sugpuin ang mga aktibistang estudyane ang pagdinig.
Gusto lamang ng mga magulang na makausap at makasama ang kanilang mga anak.
Matatandaang kinondena ng ilang militanteng grupo ang pahayag ng senador na dapat bantayan ng magulang kung nakikitang nagbabago na ang ugali ng kanilang anak.