Nilinaw ngayon ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na limitado lamang sa pagtatanggol sa kanilang sariling tahanan ang naging panawagan niya sa mga lisensyadong gun owner na tumulong sa paglaban sa terorismo.
Paliwanag ni Dela Rosa, ang mga gun owner ang maaring magsilbing pangunang depensa habang hindi pa dumadating ang tulong sa pulis at militar.
Pinawi din ni Dela Rosa ang mga pangamba sa hakbang na ito partikular na ang pagpo – promote ng pag – usbong ng mga vigilant groups.
Matatandaang hinikayat ni Dela Rosa ang mga gun – clubs noong nakalipas na linggo na mag – organisa bilang pangontra sa mga terrorista na magsasagawa ng pag – atake na tulad ng nangyari sa Marawi City.