Mabibigyan na muli ng US visa si Senador Ronald Bato Dela Rosa.
Ito ayon kay Dela Rosa ay matapos syang tawagan ng US Embassy at sinabihang maaari na niyang i-proseso ang kaniyang US visa kapag tapos na ang problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala sinabi naman ni Senate President Vicente Tito Sotto III na nabanggit sa kaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sang ayon si US President Donald Trump sa ginawang pag kansela ng US State Department sa US visa ni Dela Rosa.
Kayat hindi na aniya siya nagtatakang tinawagan pa mismo ng US Embassy si Dela Rosa para ayusin na ang kaniyang US visa.
Magugunitang dahil sa pag kansela ng Amerika sa US visa ni Dela Rosa nagalit ang Pangulong Duterte at nagpasyang ipawalang bisa ang RP-US visiting forces agreement na pinasuspindi rin muna ng palasyo ang pagpapabasura dahil sa COVID-19 pandemic. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)