Walang tutol si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa pagtiyak ng Commission on Human Rights (CHR) na babantayan nito ang pagbabalik ng PNP sa war on drugs.
Sa katunayan, sinabi ni Dela Rosa na nais niyang magtulungan ang CHR at PNP sa pagbabantay sa mga ikakasa nilang operasyon para hindi na maulit ang mga naging paglabag ng mga pulis.
Magugunitang nakipag – pulong na noon ang CHR sa PNP para imbestigahan ang mga operasyon ng pulisya kung saan may napapatay na drug suspect.
Hiniling na din noon ng CHR na masilip ang mga case folder ng lahat ng madudugong operasyon na hindi naman pinagbigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte.