Aminado si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na napipikon na siya sa mga ibinabansag na pangalan sa kanya ng kanyang mga kritiko.
Kasunod na rin ito ng pagtawag ni Senador Richard Gordon ka Dela Rosa ng Bato-gan dahil sa nagpapatuloy na kaso ng pagpatay ng riding in tandems.
Ayon kay Dela Rosa, normal lamang sa kanya bilang tao ang mapikon sa mga batikos lalo na aniya kung nagsusumikap at nagpapaka-puyat na sila para gawing mapayapa ang lansangan sa bansa.
Gayunman, tanggap ni Dela Rosa ang mga kritisismo dahil bahagi aniya ito ng kanyang trabaho.
Iginiit pa ni Dela Rosa na kanyang mapatutunayan na marami nang nahuhuling riding in tandem criminals ang PNP o Philippine National Police mula nang magsimula ang administrasyong Duterte.
“Pakisabi naman po kay Honorable Senator [Richard Gordon] marami po kaming nahuling riding in tandem.”
“You can call me ‘Bato-gan’, okay lang sa akin ‘yun pero paki-remind siya na ‘yung ‘Bato-gan’ ‘pag nagalit pwede maging ‘Bato-machine gun’.”
“Normal lang, tao lang tayo, medyo napipikon tayo.”
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal