Sinegundahan ni Senador Ronald Dela Rosa ang hamon kay Vice President Leni Robredo na sumama sa drug operations.
Ayon kay Dela Rosa, mas mauunawaan ni Robredo ang problema sa illegal drugs kung sasama sya sa giyera kaysa pamunuan ito sa loob ng air-conditioned na kuwarto.
Gayunman, kinilala ni Dela Rosa na malaking panganib para sa bise presidente ang pagsama sa drug operations dahil baka makompromiso ang kanyang seguridad.
Matatandaan na hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General at co-chair ng Inter Agency Committee on Anti- Illegal Drugs (ICAD), Aaron Aquino si Robredo na sumama sa drug operations na tinanggap naman ni Robredo.