Mababawasan ang mga delay sa flights matapos ang inagurasyon ng CNS/ATM o Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management Systems.
Ayon ito sa JICA o Japan International Cooperation Agency matapos bilhin ang bagong CNS/ATM System sa ilalim ng 22 billion Yen loan mula sa Japanese Agency.
Dahil sa nasabing system, sinabi ng JICA na ma a upgrade na ang CNS/ATM’s sa buong bansa kabilang ang pagkakabit ng surveillance radars sa Aparri, Laoag, Cebu, Quezon-Palawan at Zamboanga.
Nakapagkabit na rin ng surveillance radars sa naia gayundin sa Mactan, Bacolod, Kalibo at Davao.