Asahan na ang isang buwang pagkaantala sa pagdating ng mga inaabangang padala o package ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.
Ito ayon kay Assistant Postmaster General Luis Carlos ay dahil nagsimula nang dumagsa ang mga mga padala partikular na iyong mga “parcels o packages” na may halagang P10,000 pababa ang mga laman.
Paliwanag ni Carlos, malaki ang naging epekto ng pagbaba ng Department of Finance o DOF sa “de minimis” o iyong pinakamababang halaga ng mga gamit na ipapadala para maging tax-free ang shipping nito sa Pilipinas.
Dahil dito, ngayon pa lang ay humingi na ng paumanhin ang Philippine Postal Corporation o PHLpost at nanawagan ng mas mahabang pasensya at pang-unawa para sa mga tatanggap ng kanilang packages.
—-